El Niño phenomenon, naguumpisa nang humina

by Radyo La Verdad | March 10, 2016 (Thursday) | 1962

el-nino
Tinatayang aabot sa 22 lalawigan ang makararanas ng kakulangan sa ulan ngayong Marso.

Subalit pagdating ng Abril, posibleng tumaas pa ito sa 58 probinsya kung saan 30 dito na karamihan ay nasa Mindanao, ang makararanas ng tagtuyot.

Ayon sa PAGASA, nagumpisa nang humina ang El Niño phenomenon subalit nasa “strong” category pa rin ito sa ngayon.

Sa Abril din tinatayang mas tataas ang temperatura kasabay ng kasagsagan ng dry season.

Naitala ang pinakamainit na temperatura sa General Santos City noong March 1 na umabot sa 38.6’C habang sa NAIA sa Pasay naman ay umabot naman sa 35.5’C.

Pinag-iingat ng PAGASA ang publiko dahil sa posibleng epekto ng sobrang init sa kalusugan.

Sa ngayon ay kaya pang supplyan ng Angat dam ng tubig ang buong Metro Manila na hanggang kahapon ng umaga ay nasa 204.62 meters pa ang water level.

(Rey Pelayo/UNTV NEWS)

Tags: