El Niño advisory, inilabas ng PAGASA

by Radyo La Verdad | July 6, 2023 (Thursday) | 8589

METRO MANILA – Itinaas ng PAGASA ang El Niño warning nito sa El Niño Advisory mula sa El Niño Alert.

Ito’y matapos makumpirma na umiiral na ang El Niño dahil sa naobserbahang abnormal na pagtaas ng init sa karagatang pasipiko sa nakalipas na 3 buwan.’

Gayunpaman, maaari pa rin umanong makaranas ang ilang bahagi ng bansa ng halos mas mataas sa normal na pag-ulan sa pagitan ng Hulyo at Setyembre.

Ayon sa PAGASA, maaaring magdulot ang El Niño ng mga tagtuyot sa ilang bahagi ng bansa sa pagitan ng huling quarter ng 2023 at unang kalahating bahagi ng 2024.

Tags: ,