Ekonomiya ng Pilipinas, lumago ng 7% sa unang tatlong quarter ng 2016 -BSP

by Radyo La Verdad | January 20, 2017 (Friday) | 4925

BSP
Sa presentasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas ng 4th quarter inflation report ng 2016, ipinakita ng ahensya na umuunlad ang ekonomiya base sa paglago ng Gross Domestic Product ng Pilipinas.

Tumaas ang GDP ng pitong porsiyento mula January hanggang September 2016 dahil sa household, government spending at fixed capital investments, maging ng kontribusyon mula sa sektor ng serbisyo at industriya.

Umakyat din ang vehicle sales dahil sa mataas na consumer demand at marketing promotions ng mga car dealer.

Dagdag pa ng BSP may healthy increase din ang energy sales.

Ngunit batay din sa naturang ulat ng BSP, bumaba ang Philippine stock market index sa buwan ng Disyembre 2016 at Enero 2017.

Ayon sa central bank, ito ay resulta ng uncertainties o mga alinlangan ng mga global investor matapos ang eleksyon sa US at sa ilan pang European countries.

Hindi pa anila sigurado kung ano ang magiging resulta sa ekonomiya ngayong may mga bagong luklok nang mga opsiyal sa mga bansa lalo na sa United States Federation.

Naka-apekto rin aniya ang geopolitical tensions na naging resulta ng mga negatibong pananaw ng global inbvestors kaya’t apektado rin ang domestic financial market ng Pilipinas.

Tinitiyak naman ang bsp na sa taong 2017 ay lalago pa ang ekomiya ng bansa kung mapapanitiling stable ang presyo ng mga bilihin at financial growth.

Makadagdag din aniya ang ipinapakitang interest ng foreign investors sa stock market para sa ikauunlad ng ekonomiya ng Pilipinas.

(Aiko Miguel / UNTV Correspondent)

Tags: , ,