Ekonomiya ng Pilipinas, lumago ng 7% sa second quarter ng 2016

by Radyo La Verdad | August 18, 2016 (Thursday) | 4375

ROSALIE_EKONOMIYA
Kumpara sa 5.9 percent noong second quarter ng 2015, tumaas ng seven percent ang Gross Domestic Product o GDP ang pangkalahatang market value ng mga produktong domestiko ng bansa ngayong second quarter ng 2016 batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority o PSA.

Pilipinas ang may fastest-growing economy sa Asia, pangalawa ang China na may 6.7 percent, pangatlo ang Vietnam at sumunod ang Indonesia, Malaysia at Thailand.

Ayon Socioecnomic Planning Secretary at Economic Development Authority Director General Ernesto Pernia, ilan sa dahilan ng paglago ng ekonomiya ay ang naiambag ng services at industry sector, pagtaas ng investments o pamumuhunan sa bansa at public spending.

Nanatili namang mababa ang kontribusyon sa kita ng bansa ang sektor ng agrikultura dahil sa epekto ng el nino.

Samantala, may posibilidad na bumaba ang growth rate ng ekonomiya ng bansa dahil sa pagtatapos ng election period at banta ng la nina.

Dahil dito, ayon kay Pernia, mahalaga mapanatili ng duterte administration ang macroeconomic policy upang magtuloy-tuloy din ang tiwala ng mga business at consumer sector sa ekonomiya ng bansa.

(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)

Tags: , ,