METRO MANILA – Bumuti ang ekonomiya ng Pilipinas sa unang quarter ng taong 2024 kumpara sa huling quarter ng 2023.
Sa kabila ito ng nararanasang El Niño phenomenon at geopolitical tension sa West Philippine Sea ng bansa.
Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), tumaas ng 5.7% ang Gross Domestic Product (GDP) ng bansa mula sa 5.5% (GDP) noong last quarter ng 2023.
Ilan sa mga sektor na malaki ang kontribusyon sa 2024 growth rate ay ang financial at insurance activities, wholesale and retail trade, repair ng motor vehicles at motorcycles at manufacturing sector.
Pero kung ikukumpara sa kaparehong period noong nakaraang taon ay mababa ito.
Hindi pa rin nito naabot ang 6.0% to 7.0% na target range ng Inter-Agency Development Budget Coordination Committee.
Kasabay sa paglago ng ekonomiya, lumago naman ang mga sektor agrikultura, forestry, fishing, industry at service sa bansa.
Kung titingnan ang mga datos, mas malago ang Pilipinas kaysa mga bansang China, Indonesia at Malaysia.