Ayon sa March 2015 Pulse Asia Survey, mas concern ang mga Pilipino sa inflation rate, pagtataas ng sahod ng mga manggagawa, at paglaban sa korapsyon.
Mababa naman ang interes ng mga Pilipino pagdating sa pagtatanggol sa teritoryo, usaping terorismo at pagpapalit ng konstitusyon.
Halos wala namang ipinagbago ang approval ratings ng administrasyong Aquino pagdating sa pagtugon sa pangangailangan ng mga naapektuhan ng kalamidad, ang tungkol sa pagkasira at pag-abuso sa kapaligiran, paglaban sa kriminalidad, pagtatanggol sa teritoryo ng bansa.
Isa sa may pinakamalaking pagtaas sa disapproval rating ng kasalukuyang administrasyon ang isyu sa pagsusulong ng kapayapaan mula 21 percent noong nakaraang taon ay tumaas ito ngayon ng 29 percent.
Ito ay dahil sa January 25 Mamasapano Operation at pagsusulong ng Bangsamoro Basic Law. (Nel Maribojoc/UNTV Senior Correspondent)