Nag-deploy na ng submarine ang Egypt government upang hanapin ang nawawalang Egyptair flight MS-804 na hinihinalang bumagsak sa Mediterranean Sea.
Kaya nitong makarating ng tatlong libong metro sa ilalim ng tubig at layong hanapin ang dalawang black box ng eroplano upang malaman kung ano ang naging sanhi ng pagbagsak nito.
Ayon sa Egypt governtment, may natagpuan ang kanilang navy na ilang bangkay, mga kagamitan at ilang piraso na hinihinalang bahagi ng eroplano sa Mediterranean Sea dalawandaan at syamnapung kilometro ang layo mula sa Alexandria, Egypt.
Galing ang flight MS804 na may sakay na animnaput anim na pasahero at crew sa Paris, France at patungo sanang Cairo ngunit ilang minuto matapos pumasok sa Egyptian airspace ay nawala na ito sa radar.
(UNTV RADIO)
Tags: Egyptair flight MS-804