Balak ni Pangulong Rodrigo Duterte na italaga bilang chairman ng Presidential Commission for the Urban Poor o PCUP ang CNN Hero of Year 2009 na si Efren Peñaflorida. Si Peñaflorida ay isang guro at nakilala sa kaniyang Alternative Learning System na Kariton Klasrum.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, inatasan na ni Pangulong Duterte si Special Assistant to the President Bong Go na makipag-ugnayan kay Peñaflorida at ipabatid ang kaniyang alok.
Inalis sa puwesto ni Pangulong Duterte si Terry Ridon bilang chairman at mga commissioners dahil sa madalas na biyahe nito sa ibang bansa gamit ang pera ng ahensiya.
Tags: Efren Peñaflorida, Pangulong Duterte, PCUP
METRO MANILA – Batid ni Pangulong Rodrigo Duterte ang masamang epekto ng E-sabong operations sa mga pamilya.
Kaya naman humingi ito ng tawad sa publiko dahil sa pagpapahintulot nito sa bansa.
Ayon sa punong ehekutibo, nanghinayang siya sa kikitaing buwis ng pamahalaan.
Ginawa nito ang pahayag ng pangunahan ang inspeksyon sa National Academy of Sports sa New Clark City sa Capas, Tarlac kahapon (June 14).
Subalit ayon sa pangulo, napagtanto niya ang masamang epekto ng bisyo sa mga Pilipino.
“Kaya ‘yun ang naano ko, but I realized very late and I am very sorry that it had to happen. Hindi ko akalain na ganoon, hindi naman ako nagsusugal. I do not gamble, I do not drink anymore, only water. Pag na-dysfunctional, sige away. Maghiwalay ‘yan.” ani Pangulong Rodrigo Duterte.
Nitong nakalipas na buwan, iniutos ng presidente na agarang ipatigil ang e-sabong operations sa bansa.
Ito ay matapos magsagawa ng pag-aaral ang pamahalaan kaugnay ng negatibong social epekto ng sugal. Kabilang na ang pagkakalulong ng ilang naglalaro na nagreresulta pa sa pagbebenta ng kanilang mga anak.
(Rosalie Coz | UNTV News)
Tags: E-SABONG, Pangulong Duterte
METRO MANILA – Opisyal nang bababa sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte sa June 30, 2022 pagkatapos ng eksaktong 6 na taong panunungkulan.
Bago ito, panalangin ng punong ehekutibo ang mas mainam na administrasyong susunod sa kaniya.
Ginawa nito ang pahayag nang dumalaw sa mga biktima ng bagyong Agaton sa Capiz noong araw ng Sabado (April 16).
“When I think of my country, I hope that the next year, I would wish really. I hope I hope and I pray that the next administration will be much better than mine on all aspects.” ani Pres. Rodrigo Duterte.
Bukod dito, hiling din niyang magtagumpay ang susunod na administrasyon sa pakikipag-payapaan sa mga rebeldeng komunista.
Muli ring inulit ng pangulo ang pagnanasa nitong maipagpatuloy sana ng susunod na presidente ang laban kontra iligal na droga sa bansa sa gitna ng pangambang magkaroon ng resurgence ng drug problem sa bansa.
Samantala, tiniyak naman ng presidente na maipagpapatuloy ang pagpapatayo ng mga bahay ng mga biktima ng bagyong Agaton kahit wala na siya sa pwesto.
Dumalaw rin ang presidente sa Baybay City, Leyte noong araw ng Biyernes (April 15).
Isa ang probinsya ng Leyte sa pinaka-apektado ng bagyo kung saan marami ang nasawi dahil sa pagguho ng lupa at mga pagbaha.
“There’s only two months left of my presidency, so I won’t be able to do much to help you. But what I can assure you is that I will help make sure that preparations will be in place to help give you new houses. But that’s a program of the government and I’m sure that the next administration will follow through with the program because there’s nothing else that they can do.” ani Pres. Rodrigo Duterte.
Nagsagawa ang punong ehekutibo ng aerial inspection sa Baybay City-Leyte gayundin sa Capiz upang i-assess ang tindi ng pinsala ng kalamidad.
Nakipagpulong din ang presidente sa mga opisyal ng mga ahensya ng pamahalaan at local government units sa Leyte.
(Rosalie Coz | UNTV News)
Tags: Pangulong Duterte
METRO MANILA – Muling binigyang diin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kahalagahan ng bakuna kontra COVID-19.
Ito ay sa gitna ng banta ng bagong COVID-19 strain na XE variant.
Ayon sa pangulo, nababahala siya sa posibleng pagtaas muli ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Kaya naman hindi niya hahayaan na basta na lamang magluwag sa ipinatutupad na minimum public health standards partikular na ang pagsusuot ng face mask.
“It was a reckless move to stop urging people to wear masks. Yun ang attitude nila pero tayo dito, sabihin ko lang di tayo mayaman we can hardly afford to meet another wave of the pandemic” ani Pres. Rodrigo Duterte.
Ayon kay Pangulong Duterte, mananatili ang pagsusuot ng face mask hanggang sa matapos ang kaniyang termino.
“Ako I’ll just state my case, there is no way na masks will not be required. It will be a part of the protocol for a long time until the last day of my office. Yan ang order ko at yan ang sundin Ninyo.” ani Pres. Rodrigo Duterte.
Inatasan rin ng pangulo ang mga opisyal sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na tumulong sa kampanya ng pamahalaan sa pagbabakuna.
Sa ulat ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., aabot lamang sa 27.31% ang coverage ng fully vaccinated sa BARMM. Bagay na nakakabahala ayon sa kalihim.
Ayon sa Vaccine Czar, tututukan nila ang BARMM na magkaroon ng massive vaccination sa rehiyon.
(Nel Maribojoc | UNTV News)
Tags: Covid-19, Pangulong Duterte