Ecowaste Coalition nagprotesta sa Mendiola kontra sa incineration o pagsunog ng basura

by Radyo La Verdad | April 21, 2015 (Tuesday) | 1615

rally_aiko
Nagtipon tipon ang mga environmental groups na Ecowaste Coalition, Global Alliance for Incinerator o GAIA,Green Convergence, Care Without Harm, Kulay, Philippine Movement for Climate Justice at iba pang environmental groups sa harap ng mendiola peace arch upang tutulan ang incineration o ang pagsunog sa mga basura

Nagmartsa mula UST papuntang Mendiola ang mga raliyista dala-dala ang isang incinerator model at mga kabataang naka-costume bilang zombies upang ipakita ang nakalalasong epekto ng pagsunog sa mga basura

Mariin din nilang tinututulan ang isinumiteng panukalang batas ni Cong. Edgar Erice ng Committee on Ecology of the Philippine Congress upang amyendahan ang Section 20 of the Clean Air Act or Republic act 8749 na nagpapahintulot sa incineration o pagsunog sa mga basura kabilang na ang mga biomedical wastes mula sa mga clinic at ospital

Ang mga nasusunog na basura ay naglalabas ng toxic chemicals na dioxins at furans na nagbibigay ng masayang epekto sa immune, nervous, endocrine at reproductive systems ng tao.

Nananawagan ang mga environmental group sa pamahalaang aquino na tuluyan ng i-ban ang paggamit ng incinerators at aksyunan ang malinaw na paglabag sa Republic act 9003 o ang Ecological Solid Waste Management act.(Aiko Miguel/UNTV Radio Correspondent)