Ecowaste Coalition, nagpa-alala sa publiko na maging mapanuri sa bibilhing mga laruan lalo na ngayong holiday season

by Radyo La Verdad | December 14, 2017 (Thursday) | 4570

Nagpa-alala ang Ecowaste Coalition  na suriing mabuti ang bibilhing mga laruan  ngayong holiday season kung ligtas ito sa kalusugan.

Dagdag pa ng grupo, hindi dapat isantabi ang kalusugan at kaligtasan ng mga bata sa mga bibilhing laruang. Ipinapayo rin sa mga mamimili na siguraduhing ang laruang bibilhin ay angkop sa edad ng bata, ang produkto ay lead-free o walang tingga ang pintura, matibay ang pagkakagawa, walang maliliit na bahagi na maaaring maisubo o malunok ng bata, may etiketa at rehistrado, hindi gawa sa PVC o malalambot na plastic at walang matutulis o nakasusugat na bahagi at walang matutulis o nakasusugat na bahagi. Kung de-tali, dapat ay hindi lalagpas sa 12 inches ang haba.

Panawagan ng grupo, mapagtibay na ang implementasyon ng Republic Act No. 10620 o ang Toy and Game Safety Law.

Taong 2013 nang malagdaan ito ni dating Pangulong Benigno Aquino III ang batas. Nakasaad dito na may karapatan ang mga mamimili na makita o mabasa ang mga impormasyon sa lalagyan ng mga laruan.

Gaya na lamang ng kung anong kinaaangkupang edad ng isang laruan, materyales sa pagkakagawa at ang manufacturer nito.

 

( Abi Sta. Ines / UNTV Correspondent )

Tags: , ,