Ipinakita ng EcoWaste Coalition ang mga maaaring gawin mula sa mga binaklas na illegal campaign materials ng otoridad.
Ilan sa mga pwedeng gawin mula sa mga ito ay ang:
Laundry Bag
Mini Carry bag
Mutli Purpose Organizer
Bills Organizer
Shoe bag
Apron at
Shopping bag
Ayon sa EcoWaste MAAARING mapapakinabangan ang mga ito at makakaiwas NA makalikha ng chemical pollution kung hindi susunugin
Una nang ibinigay ng Metro Manila Development Authority sa Ecowaste Coalition ang mga illegal election campaign paraphernalia upang i-recycle at maituro sa ating mga kababayan na gumawa ng kapaki-pakinabang na bagay mula sa mga ito.
Nagpaalala din ang grupo na mag-ingat sa paggamit ng mga tarpaulin dahil ito ay gawa mula sa plastic na may toxic pollutants na dioxins at furans na maaaring maging dahil upang ma-contaminate ang pagkain at makasama sa kalusugan ng tao.
(Aiko Miguel / UNTV Radio Correspondent)