Economic Cha-Cha, susubukan pa ring ipasa sa pagbabalik ng sesyon

by Radyo La Verdad | June 11, 2015 (Thursday) | 1480

BELMONTE
Bigo si House Speaker Feliciano Belmonte Jr. na isalang sa botohan kagabi ang panukala niyang Economic Cha-Cha bagamat may korum.

Upang maipasa ang resolusyon sa 3rd and final reading nangangailan ito ng ¾ o 217 votes.

Bagama’t nasa 267 ang mga mambabatas na dumalo sa huling araw ng sesyon, marami aniya ang tumutol dito.

Gaya na lang ng ilan sa kanyang mga kasamahan sa Liberal party at maging kanyang mga kaibigan sa kongreso.

Samantala, patuloy namang magbabantay ang mga kongresistang miyembro ng Makabayan Bloc sa pagsusulong ng Economic Cha-Cha sa kongreso.

Iginigiit pa rin ni Bayan Muna Party-list Rep. Neri Colmenares na hindi maaaring mag-mayari ng malalaking lupain at negosyo ang mga foreign investors dahil ito ang magpapahirap sa mga manggagawang Pilipino.

Una nang sinabi ng Malakanyang na sa kasalukuyan ay hindi ikinokonsidera ng administrasyon ang pag-amiyenda sa economic provisions ng konsitusyon upang mapaunlad ang ekonomiya ng bansa.

Tags: ,