Economic agenda ng Duterte Admin, ipinirisinta sa business leaders

by Radyo La Verdad | June 21, 2016 (Tuesday) | 1004

Incoming-Finance-Secretary-Carlos-Dominguez
Inilatag ng incoming cabinet members sa business community ang ten-point economic agenda ng Duterte administration sa susunod na anim na taon.

Layon ng two-day business conference na makakuha ng rekomendasyon mula sa business sector ang incoming administration kaugnay ng mga polisiya at programa na ipatutupad sa bansa.

“This dialogue i assure you will help us to refine the reforms with the new administration proposes.” Pahayag ni Incoming Finance Secretary Carlos Dominguez

Kabilang sa economic agenda ng incoming administration ay ang pagpapatuloy ng macroeconomic policy, pagpapaunlad ng sektor ng pag-sasaka, reporma sa land administration at management system, pagpapalakas ng basic education system, tax reform at iba pa.

Hinikayat naman ni incoming Finance Secretary Carlos Dominguez ang business community na mag-ambag at makiisa sa mga repormang ipatutupad ng pamahalaan.

(Nel Maribojoc/UNTV Radio)

Tags: ,