Eco-friendly resorts, isinusulong upang mabuksan sa Boracay Island

by Radyo La Verdad | September 3, 2018 (Monday) | 6608

Kilala ang Boracay Island bilang isa sa mga top tourist destinations sa Pilipinas at sa buong mundo.

Taon-taon ay hindi ito nawawala sa rekomendasyon ng mga international travel shows at magazines dahil sa angkin nitong ganda.

Pero dahil sa paglabag ng marami sa mga establisyemento sa lugar sa mga environmental laws, unti-unting nang napabayaan ang isla na nagresulta pa sa anim na buwang pagsasara para sa rehabilitasyon.

Kaya naman sa reopening nito sa ika-26 ng Oktubre, kasabay ding bubuksan ng European Union-Funded Environmental group na Zero Carbon Resorts (ZCR) for Responsible Tourism at Department of Tourism (DOT) ang konsepto ng pagtatayo ng eco-friendly na resort.

Ito ang mga resort o buildings sa isla na sumailalim sa redesigning upang hindi makasama sa kalikasan o makapag-iwan ng mataas ng carbon dioxide o carbon footprint.

Ang carbon dioxide ay sangkap ng sa ilang produkto tulad ng aerosol sprays na nakasasama sa kalikasan.

Tutulong ang ZCR sa mga resort owner na tukuyin ang mga dapat na isaayos sa kanilang establisyemento. Mula sa mga simpleng bagay tulad ng pagpapalit ng led lights sa kanilang mga conventional bulbs hanggang sa remodeling ng mga building. Una nang nasimulan ang proyektong ito sa Palawan.

Ayon sa ZCR, inuna nilang gawin ang ganitong proyekto para sa tourism industry dahil sa lawak ng sakop nitong mga lugar.

Sa ngayon ay nasa 500 na mga resorts at hotels na sa Pilipinas ang natulungan ng ZCR.

Dahil dito anila ay na 11,860 tons ng carbon emmissions ang nabawas taon-taon, katumbas ito ng ibinubugang usok ng nasa 5,640 na mga sasakyan.

Umaasa ang ZCR at DOT na makikipagtulungan ang mga resorts owners sa Boracay Island upang mapalakas ang naturang proyekto.

 

( JL Asayo / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,