Ebola outbreak sa West Africa, hindi na itinuturing na global health risk ayon sa WHO

by Radyo La Verdad | March 30, 2016 (Wednesday) | 936

WHO
Mahigit isa’t kalahating taon na ang lumipas mula nang Ideklarang public health emergency of international concern ng World Health Organization ang Ebola outbreak sa West Africa na nagresulta sa pagkamatay ng mahigit labing isang libo.

Ngunit ayon sa W-H-O, hindi na ito ngayon itinuturing na global health risk matapos na dalawang beses magnegatibo sa original chain ng Ebola transmission ang Sierra Leone, Liberia at Guinea matapos ang isinagawang 42-day observation period at karagdagang 90-day enhanced surveillance period.

Kasunod ng pag-anunsyo ay binawi na rin ang mga travel restriction sa Guinea Liberia at Sierra Leone.

Bagamat hindi na global threat, pinapayuhan pa rin ng W-H-O ang publiko na mag-ingat.

(Wylla Soriano/UNTV NEWS)

Tags: ,