May mga anomalya pa sa Makati City Hall na ibubunyag ng Senate Blue Ribbon Sub-Committee.
Sa panayam kay Senator Antonio Trillanes the fourth ng programang Get it Straight with Daniel Razon sinabi nito na ang anomalya ay may kinalaman sa umano’y ghost employees sa Makati City Hall.
Ayon kay Trillanes na may mga hawak na sila ng ebidensiya taliwas sa pahayag ni Makati City Human Resource Development Head Vissia Marie Aldon na walang ghost employee sa munisipyo ng makati.
Halimbawa nito, maglalagay ang LGU sa payroll ng mga contractual o casual employee na sumusweldo tuwing kinsenas at katapusan, ngunit hindi naman nakikitang nagre-report o nagta-trabaho sa munisipyo.
Sinabi ni Trillanes na maging ang mga konsehal ay mayroon umanong ghost staff.
Target ng komite na tapusin na sa Agosto ang imbestigasyon sa mga isyu ng kurapsyon na isinasangkot ang pamilya Binay
Naniniwala si Trillanes na hindi nasayang ang resources ng Senado sa pag iimbestiga taliwas sa akusasyon ng kampo ni Binay
Samantala sinabi ng Senador na tuloy siya sa pagtakbo bilang pangalawang pangulo sa 2016 elections.
Tags: akati City Human Resource Development Head Vissia Marie Aldon, Senator Antonio Trillanes the fourth