Ebidensya laban kay PNP Chief Albayalde kaugnay sa 2013 Agaw Bato Incident, mabigat ayon sa mga Senador

by Erika Endraca | October 11, 2019 (Friday) | 4210

MANILA, Philippines – Tinitignan ngayon ng mga Senador ang circumstantial evidence sa posibilidad na pagkakaron ng “Cover Up” sa 2013 agaw bato incident sa Pampanga.

Tatlong mga dating hereral na umano ang nagsasabi na tinangka umano na PNP Chief Police General Oscar Albayalde na pagtakpan ang mga dati niyang tauhan na nasangkot sa drug recycling issue.

Cover up rin ang isa sa nakikita ni Senator Panfilo Lacson at ang umano’y
posibilidad na si General Albayalde ay naging parte noon ng operasyon.”

Ayon naman kay Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon hindi ligtas sa pananagutan si Albayalde matapos ang mga akusasyon laban sa kanya.

Si Senate President Vicente Sotto III na dati ay walang duda sa kredibilidad ni Albayalde tila nagdadalawang isip na matapos marinig ang rebelasyon ni Retired General Lacadin.

Ipinauubaya na ng mga Senador sa Pangulo ang pagdedesisyon sa gitna ng kontrobersiyang kinahaharap ng hepe ng pambansang pulisya.

(Grace Casin | UNTV News)

Tags: