METRO MANILA – Gagawin na ng Commission on Elections (Comelec) sa buong bansa ang early voting hour sa darating na 2025 national and local elections.
Ang early voting hour ay magsisimula alas-5 hanggang alas-7 ng umaga na eksklusibo para sa mga nasa vulnerable sectors tulad ng senior citizens, persons with disabilities (PWDs) at mga buntis sa lahat ng presinto sa bansa.
Ayon sa Comelec, tinatayang nasa 12-M matatanda ang botante sa 2025 elections at 600,000 naman ang may mga kapansanan.
Ginawa ng Comelec ang pilot testing ng early voting hour noong nakaraang 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE)na isa sa mga innovation ng komisyon.