Early registration ng mga estudyante para sa school year 2016-2017, hanggang February 29 na lamang

by Radyo La Verdad | February 19, 2016 (Friday) | 1848

DEPED
Hinikayat ng Department of Education ang mga magulang na samantalahin ang maagang pagpaparehistro sa kanilang mga anak sa mga pampublikong eskwelahan

Ayon sa DepEd hanggang February 29 na lang ang early registration mula kinder hanggang junior high school students para sa school year 2016 hanggang 2017

Layon nito na bigyan ng mas mahabang panahon ang DepEd na maihanda ang mga eskwelahan, maiayos ang masterlist ng mga estudyante at maiwasan ang pagsisiksikan sa mga classroom.

Kinakailangan lamang dalhin ng mga magulang ang kopya ng birth certificate ng kanilang mga anak.

Ayon sa DepEd ang mga batang maglilimang taong gulang sa pagsapit ng Hunyo ay maari ng i-enroll sa kindergarten.

Samantala inihayag rin ni DepEd Secretary Armin Luistro, na hindi na magbibigay ng anumang extension ang ahensya, sa aplikasyon ng voucher program para sa lahat ng mga senior high school na bahagi ng full implementation ng K to 12 program.

Nito lamang lunes, February 15 tinapos na ng DepEd ang pagtanggap sa mga voucher program application.

Ayon sa kalihim sapat ang panahong ibinigay ng DepEd upang maka-pagapplyang mga estudyante sa programa

Layon ng programa na magbibigay ng tulong pinansyal sa walang kakayahang makapag-enroll sa grade 11 o senior highschool ngayong darating na school year 2016 to 2017

Paliwanag ni Secretary Luistro, sa ngayon ay kinakailangan na nilang pagtuunan ng pansin ang pag-vavalidate ng mahigit isang daang libong aplikasyon.

(Joan Nano/UNTV News)

Tags: , ,