Isang ear device na tinatawag na “The Pilot” ang naimbento ng kumpanyang Waverly Labs na may kakayahang magsalin ng iba’t ibang wika.
Ang gadget ay binubuo ng dalawang earpieces na madaling isuot sa mga tainga.
Sinasalin nito sa real-time sa tainga ang wikang Pranses, Espanyol, Italyano, at Ingles.
Ayon sa imbentor, nagkaraoon siya ng ideya ng may nakilala itong babeng Pranses.
Hindi marunong magsalita ang babae ng English kaya naisip nitong umembento ng makakatulong upang maalis ang language barrier.
Nakatakdang ilabas ito sa merkado sa Setyembre na nagkakahalaga ng $129 bawat isa.
(UNTV RADIO)
Tags: "The Pilot", Waverly Labs