E-vehicle car sharing service na BlueSG, inilunsad na sa Singapore

by Radyo La Verdad | January 31, 2018 (Wednesday) | 2574

Nagsimula na ang operasyon sa Singapore ng isa sa largest e-car sharing service sa mundo, ang BlueSG.

Ang BlueSG ay sangay ng Bollore Group na siya ring nagpasimula ng most successful car sharing service na gumagana ngayon sa Paris, France.

Gamit ang mga electric cars, ang BlueSG ay inilunsad para magkaroon ng mas murang mobility option dito sa bansa.

Kapag naging miyembro ng BlueSG ay magkakaroon ng access sa 1,000 shared electric-bluecar vehicles na pwedeng gamitin 24/7 sa mga self-service stations gaya ng public housing, city centre at mga commercial estates sa buong Singapore.

Kung magrerenta ng blue car ay hindi na kailangan ibalik pa sa lugar ng unang pinagkunan. Ang pwedeng gumamit ng e-vehicle na ito ay edad 21 pataas basta meron lang valid driver’s license.

Ang bluecar ay 4 seater at may average range na 200km at meron notification kung ang charge level ay bumaba ng 30%.

Ibig sabihin ay kailangan na ibalik ang bluecar sa charging station, ito ay pwede lang magamit sa Singapore at hindi pwede ilabas ng bansa.

Ang halaga ng paggamit ng electric car ay depende sa kinuhang level ng membership. Mayroon silang promotion ngayon na 1 year $0.33 per minute o kaya naman ay monthly $0.50 per minute.

 

( Annie Mancilla / UNTV Correspondent )

 

 

Tags: , ,