METRO MANILA – Maaari nang magamit ang printed digital version ng Philippine Identification System o e-Phil I.D., para sa passport application.
Sa advisory ng Department of Foreign Affairs – Office of Consular Affairs, sinabi nito na tinatanggap na nila ang e-Phil I.D. simula nitong Biyernes, October 21, 2022. At dapat lang na masiguro na malinaw ang pagkaka-imprenta sa e-Phil I.D.
Dapat magkarareha ang detalye na nakalagay sa e-Phil I.D. at ipinresentang mga dokumento sa passport application.
Ang issuance ng e-Phil I.D. ay stratehiya ng pamahalaan upang ma-enjoy ng mga Pilipino ang benepisyo ng pagpaparehistro sa Philippine Identification System kahit hindi pa nila natatanggap ang kanilang Phil-Sys I.D.
Tags: e-Phil ID, national ID, passport application, Phil-Sys