Duterte supporters, tinapatan ang Anti-Duterte rally sa araw ng SONA

by Radyo La Verdad | July 24, 2018 (Tuesday) | 2095

Tinapatan naman ng Duterte supporters ang malawakang protesta ng mga militanteng grupo kahapon.

Alas nuebe pa lang ng umaga ay nagtipon-tipon na ang Friends of Rody Duterte upang abangan ang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo.

Pagkatapos ng SONA ay nagpahayag sila ng pananaw sa naging ulat at mga plano ng Pangulo.

Kabilang sa pinuri ng mga ito ang plano ng Pangulo sa laban sa mga mapang-abuso sa kalikasan at ang pagpapatuloy ng anti-drug campaign.

Sinusuportahan din ng mga ito ang pangako niyang maisulong pa rin sa Kongreso ang panukala para wakasan na ang labor contractualization sa bansa.

May grupo din ng mga kababayan nating Muslim na sumusuporta sa tuluyang pagsasabatas ang Organic Law for Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Bukod sa mga pro-Duterte groups, mayroon ding mga nakiisa mula sa Department of Finance, BIR, DAR, DOLE, DSWD, Presidential Anti-Corruption Commission at iba pang ahensya ng pamahalaan.

 

( Aiko Miguel / UNTV Correspondent )

Tags: , ,