Ipinakita ng mga poll survey pagkatapos ng 2nd Pilipinas debate 2016 na pumasa si Mayor Rodrigo Duterte sa mga netizen.
Sa parehong netizen’s sites na Rappler at Manila Bulletin, si Mayor Duterte ang netizen’s choice.
Ang unang parte ng debate ay naantala ng 45 hanggang isang oras.
Ito’y dahil sa kagustuhan ni Vice Mayor Binay na magdala ng notes bagay na mahigpit na tinutulan ng ibang mga presidentiable lalong lalo na ni Mar Roxas.
Pagkatapos ng debate sinabi ni mayor na wala syang problema sa pagbabasa ni Binay ng kodigo. Ang iniisip nya lamang ay ang magiging kumplikasyon nito.
Samantala nagpahayag din sina Senator Grace Poe at Secretary Mar Roxas ng kanilang saloobin sa nangyaring aberiya sa debate.
Sa ilang isyu na nangangailangan lamang ng pagtataas ng kamay bilang pagsang-ayon, kapwa nagtaas ng kanilang mga kamay sina Poe at Duterte hinggil sa pagbabalik ng death penalty. Wala naman sa mga kandidato ang pabor sa divorce.
Iginiit naman ni Vice President Jejomar Binay ang issue ng citizenship ni Grace Poe na sinagot naman ni Poe.
Nang tanungin si Duterte tungkol sa kanyang pangunguna sa poll survey ng mga netizen pagkatapos ng debates ito ang kanyang naging pahayag.
“You have to unite this country if you are now the president you have to unite this country”
Samantala, hindi naman nagpaunlak ng panayam sa media Si Vice President Jejomar Binay.
(Joeie Domingo/UNTV NEWS)
Tags: 2nd Pilipinas debate 2016, netizen