Nakakuha ng pinakamataas na public satisfaction rating ang Duterte administration batay sa pinakahuling ulat ng Social Weather Stations.
Sa survey na isinagawa noong December 2017, lumabas na nasa 70 percent ng mga tinanong ang kuntento sa pangkalahatang performance ng administrasyon o katumbas ng excellent na grado.
Naungusan nito ang naitalang very good rating o 66 percent net satisfaction rating ng administrasyon ni dating Pangulong Noynoy Aquino noong June 2013.
Partikular na nasiyahan ang publiko sa ginawa ng administrasyong Duterte sa paglaban sa terorismo, paggawa at pagsasaayos ng mga kalsada, tulay at iba pang imprastraktura, ugnayang panlabas, pagtulong sa mga mahihirap, pagbibigay ng hanap-buhay, pagsasabi ng katotohanan sa mga tao at paniniguro ng walang pamilyang magugutom.
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com