METRO MANILA – Target ng Duterte Administration 6-7% na Economic Growth ngayong taon. Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), 5.6 percent ang growth rate sa 1st Quarter ngayong taon samantalang 5.5 percent naman noong second quarter.
Una nang nabanggit ng pamahalaan na dahil sa pagkaantala sa pagpasa ng 2019 national budget gayundin ang nagdaang midterm elections kaya mas mababa ang naging spending ng gobyerno.
Bagaman hindi pa inilalabas ng PSA ang ulat hinggil sa 3rd Quarter GDP growth, kumpyansa si Finance Secretary Carlos Dominguez na mas maigi ito kumpara sa naunang 2 Quarter.
Dahil dito, positibo pa rin ang pananaw ng Duterte administration na maabot ng bansa ang target band sa economic growth ng bansa. 6.5% ang dapat na maging GDP growth bansa sa huling 2 Quarters para maabot ang lower end target.
(Rosalie Coz | UNTV News)
Tags: Duterte administration