Iginiit ng Duterte administration na patuloy ang pagsusulong ng pamahalaan sa karapatang pantao sa bansa kaalinsabay ng ika-70 anibersaryo ng adoption sa Universal Declaration of Human Rights (UDHR).
Batay sa mensahe ni Executive Secretary Salvador Medialdea, hindi tumitigil ang pamahalaan sa paglaban sa kriminalidad, katiwalian, terorismo, rebelyon at iligal na droga upang mapangalagaan ang karapatan ng mga law-abiding citizens.
Bukod dito, determino rin aniya ang Duterte administration na i-angat ang antas ng pamumuhay ng mga Pilipino sa pamamagitan ng epektibong pagpapatupad ng mga programang pang-edukasyon, pangangalaga sa kalusugan, trabaho, pabahay, pagkain at iba pang pangunahing serbisyo.