Duterte administration, bukas sa pag-amyenda ng BOL

by Radyo La Verdad | July 30, 2018 (Monday) | 3564

Bagaman kapipirma pa lang na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Bangsamoro Organic Law (BOL), bukas pa rin ang Duterte administration para amyendahan ang landmark law lalo na sa mga sektor na tumututol sa mga partikular na probisyon nito.

Noong Biyernes ay umapela si Pangulong Duterte sa mga residente sa Sulu na pagbigyan ang BOL.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, maraming taga Sulu ang tutol sa naturang batas.

At ang pahayag ng punong ehekutibo ay nagpapakita na nais din nitong abutin ang grupo ni Nur Misuari, founding chair ng Moro National Liberation Front (MNLF) para makamit ang pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao.

Bukod pa sa ito sa pagtanggap din ng pamahalaan sa mga nais na sumuko o magbalik-loob na mga miyembro ng teroristang grupong Abu Sayyaf.

 

Tags: , ,