Duterte Admin, tiniyak na mayroon nang master plan para sa ekonomiya ng bansa

by Erika Endraca | April 27, 2020 (Monday) | 9651

METRO MANILA – Ilalahad ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque sa susunod ng Linggo ang binuong plano ng economic managers ng Duterte Administration upang muling palakasin ang ekonomiya ng bansa.

Bagaman tiniyak ng Finance Department na sapat pa ang salaping magugugol para sa gastusin ng pamahalaan sa ngayon, nagpahayag naman ng pangamba ang budget department kung magkakaroon ng second wave o muling pag-akyat ng kaso ng coronavirus disease sa bansa.

Ayon sa Duterte Administration, naglalaan din sila ng pondo para sa Build, Build, Build infrastructure project ng Duterte administration na makakatulong upang muling pasiglahin ang ekonomiya ng bansa.

“Para pag natapos ang covid, may pera tayong pang invest sa sa build, build, build. at saka we will create jobs and we will create business opportunities with that” ani Dept. Of Finance Sec. Carlos Dominguez III.

“Kinakailangan talaga magkaroon ng forward planing dahil di natin alam nung hanggang kailan itong problema ng COIVID-19” ani Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque.

( Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: