DTI, tiwalang magtutuloy-tuloy ang pagdami ng mamumuhunan sa bansa

by Radyo La Verdad | September 23, 2016 (Friday) | 1478

sec-lopez
Dumoble ang bilang ng mga namumuhunan sa bansa upang magnegosyo mula Enero hanggang Hulyo ngayong taon.

Ito ang ulat ni Trade and Industry Secretary Ramon Lopez sa kabila ng pahayag ng standards and poor’s credit ratings kamakailan na posibleng hindi makakuha ng upgrade sa credit rating sa susunod na dalawang taon ang pilipinas dahil umano sa kawalan ng katiyakan sa domestic at foreign policies ng Administasyong Duterte.

Subalit kabaligtaran ito sa paniniwala ng opisyal.

Ayon sa kalihim sa susunod na bahagi ng taon ay maaasahan pa ang paglago ng ekonomiya dahil sa pagdami ng iba pang nais magnegosyo sa bansa.

Samantala, hindi naman nagpa-apekto si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga negatibong komentaryo na maaaring maapektuhan ng kaniyang anti-illegal drugs campaign ang paglago ng ekonomiya ng pilipinas.

Sa halip, tiwala ang pangulo ng mayroong ibang oportunidad na makikita ang bansa sa pakikipag-ugnayan sa China at sa Russia.

(UNTV News)

Tags: , ,