DTI, naniniwalang walang epekto sa trade relations ng Pilipinas at china ang arbitral ruling sa West Ph Sea dispute

by Radyo La Verdad | July 14, 2016 (Thursday) | 1258

sec-ramon-lopez
Positibo ang Department of Trade and Industry na hindi maaapektuhan ang ugnayan ng pilipinas at china ng inilabas na desisyon ng Permanent Court of Arbitration sa isyu ng West Philippine Sea dispute.

Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, hindi maaaring putulin ng Pilipinas ang trade relations nito sa China dahil maraming Pilipino ang tiyak na mawawalan ng trabaho at negosyo.

Matagal nang magka-partner sa negosyo at investment ang dalawang bansa at maraming kumpanya sa Pilipinas ang hawak ng Chinese-Filipino nationals.

Naniniwala ang DTI na sa kabila ng tensiyon ay mananatiling maganda ang bilateral trade relations ng dalawang bansa.

(Joshua Antonio/UNTV Radio)

Tags: