DTI, nagsagawa ng surpresang inspeksyon sa ilang tindahan sa Batangas

by Radyo La Verdad | May 3, 2018 (Thursday) | 4887

Ilang tindahan sa Tanauan at Sto. Tomas, Batangas ang surpresang ininspeksyon ng Department of Trade and Industry (DTI) kahapon.

Layon nito na matiyak na de kalidad at nasa tamang presyo ang bawat ibinebentang mga produkto ng mga business owner.

Sa isang hardware sa Sto.Tomas, nadiskubre ng DTI ang mga PVC pipe na wala umanong kaukulang permit mula sa DTI at walang Philippine Standard o PS quality.

Ayon sa kagawaran, ang tatak na ito ang nagpapatunay na dumaan sa pagsusuri at ligtas itong gamitin.

Samantala, nag-ikot din ang DTI sa tatlong malalaking supermarket sa Batangas.

Ilan sa kanila ay nakitaan ng overpriced products habang ang ilan naman ay nagbebenta ng produkto ng mas mababa pa sa suggested retail price (SRP).

Binibigyan ng kagawaran ng notice of violation ang lahat ng mga tindahang nakitaan ng paglabag at apatnaput walong oras upang magpaliwanag.

Posibleng pagmultahin ang may-ari at supplier labingpitong libong piso hanggang isang miyong piso depende sa paglabag nito.

 

( Vincent Octavio / UNTV Correspondent )

Tags: , ,