DTI, nagpatupad ng price freeze sa 2 bayan sa Oriental Mindoro dahil sa El Niño 

by Radyo La Verdad | March 12, 2024 (Tuesday) | 18189

METRO MANILA – Nagpatupad ng price freeze sa essential commodities ang Department of Trade and Industry (DTI) sa 2 bayan sa Oriental Mindoro dahil sa El Niño.

Sakop nito ang mga bayan ng Bulalacao at mansalay na naideklarang isasailalim sa state of calamity dahil sa tagtuyot.

Sa loob ng 60 araw, hindi dapat gagalaw ang presyo ng delatang isda, processed milk, kape, sabong panlaba, sabon panligo, tinapay at bottled water.

Ang sinomang lalabag sa kautusan ay mahaharap sa hanggang 10 taong pagkakakulong o multang mula P5,000 hanggang P1-M.

Tags: ,