DTI, nagpatupad ng price freeze kaugnay ng idineklarang State of National Emergency

by Radyo La Verdad | September 14, 2016 (Wednesday) | 2707

MON_DTI
Nagpatupad ng price freeze sa basic commodities ang Department of Trade and Industry o DTI kaugnay ng idineklarang State of National Emergency on Account of Lawlessness.

Nangangahulugan ito na hindi maaaring tumaas ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa loob ng animnapung araw;

Pati na ang presyo ng liquefied petroleum gas at kerosone ay bawal ring taasan sa loob ng labinlimang araw o hanggang sa bawiin ng pangulo ang deklarasyon.

Ngunit ayon sa DTI, pinag-aaralan na nilang i-lift ang price freeze sa mga lugar na wala namang nangyayaring gulo.

Tags: , ,