METRO MANILA – Isinagawa ng Department of Trade and Industry (DTI) at ng Department of Agriculture ang holiday price check sa ilang pamilihan sa Marikina City nitong Miyerkules, November 23.
Sa kanilang obserbasyon, wala namang lumampas at nakasunod ang mga ito sa price guide na kanilang inilabas para sa mga produkto ngayong holiday season.
Nagbigay naman ng ilang tips ang DTI sa mga mamimili ngayong holiday season upang makatipid sa pagpili ng produkto
“Siguro mamimili na lang ang maybahay kung ano ang ma-aafford nya. meron namang choice eh. Kahit dun sa price guide na inisyu namin, price range yung ibinigay eh, merong nasa low-end, merong nasa high-end.” ani DTI Sec. Fred Pascual
Ayon kay DTI Sec. Alfredo Pascual, wala nang aasahang pagtaas ng presyo sa mga holiday products sa susunod na buwan.
Payo din ng ahensya sa mga nagtitipid na mamimili, maghanap na lamang ng alternatibo sa produkto o brand upang makamura. Meron na rin naman ngayong bundle packs sa mga supermarket na bukod sa kumpleto na ay mababa pa ang halaga.
Tags: DTI, holiday season, SRP
METRO MANILA – Nalagpasan ng Pilipinas sa kauna-unahang pagkakataon ang $100-B exports noong 2023.
Ayon sa export marketing bureau ng Department of Trade and Industry (DTI), ang full-year total exports ng bansa sa goods at services ay umabot sa $103.6-B noong nakaraang taon.
4.8 percent na mas mataas kumpara noong 2022.
Ayon sa DTI, ang paglago ng export ng Pilipinas ay dahil sa paglakas ng performance ng Information Technology at Business Process Management (IT-BPM) sectors.
Dagdag pa rito ang pagtaas ng kita mula sa turismo.
Tags: DTI
METRO MANILA – Ipapatupad na sa Lunes ang pinalawak na price cap sa mga basic necessities at prime commodities.
Ito ay matapos pirmahan ng Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Agriculture (DA) ang joint administrative order para sa 5% discount ng mga Senior Citizens at Persons With Disability (PWD).
Kung saan mas malaki na ang kanilang matitipid sa mga produkto na kanilang bibilhin.
Ayon sa (DTI), mga local na produkto ang karamihang pasok sa diskwento at aplikable na rin ang 5% discount sa pagbili online.
Nilinaw naman ng DA na hindi kasama sa diskwento ang mga Kadiwa store, mga barangay micro business at mga kooperatiba na naka rehistro sa Cooperative Development Authority.
METRO MANILA – Nagpatupad ng price freeze sa essential commodities ang Department of Trade and Industry (DTI) sa 2 bayan sa Oriental Mindoro dahil sa El Niño.
Sakop nito ang mga bayan ng Bulalacao at mansalay na naideklarang isasailalim sa state of calamity dahil sa tagtuyot.
Sa loob ng 60 araw, hindi dapat gagalaw ang presyo ng delatang isda, processed milk, kape, sabong panlaba, sabon panligo, tinapay at bottled water.
Ang sinomang lalabag sa kautusan ay mahaharap sa hanggang 10 taong pagkakakulong o multang mula P5,000 hanggang P1-M.
Tags: DTI, Price freeze