DTI, nagbigay ng shopping tips para sa mamimili ngayong holiday season

by Radyo La Verdad | November 24, 2022 (Thursday) | 6371

METRO MANILA – Isinagawa ng Department of Trade and Industry (DTI) at ng Department of Agriculture ang holiday price check sa ilang pamilihan sa Marikina City nitong Miyerkules, November 23.

Sa kanilang obserbasyon, wala namang lumampas at nakasunod ang mga ito sa price guide na kanilang inilabas para sa mga produkto ngayong holiday season.

Nagbigay naman ng ilang tips ang DTI sa mga mamimili ngayong holiday season upang makatipid sa pagpili ng produkto

“Siguro mamimili na lang ang maybahay kung ano ang ma-aafford nya. meron namang choice eh. Kahit dun sa price guide na inisyu namin, price range yung ibinigay eh, merong nasa low-end, merong nasa high-end.” ani DTI Sec. Fred Pascual

Ayon kay DTI Sec. Alfredo Pascual, wala nang aasahang pagtaas ng presyo sa mga holiday products sa susunod na buwan.

Payo din ng ahensya sa mga nagtitipid na mamimili, maghanap na lamang ng alternatibo sa produkto o brand upang makamura. Meron na rin naman ngayong bundle packs sa mga supermarket na bukod sa kumpleto na ay mababa pa ang halaga.

Tags: , ,