DTI, nagbabala sa publiko sa pagbili ng mga pekeng paputok at pailaw 

by Radyo La Verdad | November 29, 2022 (Tuesday) | 26792

Nagpaalala ang Department of Trade and Industry sa mga manufacturer, dealer at retailer na siguraduhing ang ibebenta at isusuplay nilang paputok at pailaw ay nakasunod sa safety standards.

Ayon kay Edna Dizon Provincial Director ng DTI Bulacan, dapat may tatak ng Philippine Standard  o PS mark na makikita sa package ng produkto na nangangahulugan na pasado ito sa Philippine National Standard. Kung imported naman, kailangan may tatak ito ng Import Commodity Clearance.

Paalala ng DTI sa mga gumagawa at nagbebenta ng mga paputok at pailaw, magparehistro na .

“Sana i-consider na po natin magparehistro, kasi yung pagregister po natin, pagkuha ng mga lisensya yan po mage-ensure ng safety mga produkto natin,” an Edna Dizon, Provincial Director, DTI Bulacan.

Muli ring nagbabala ang DTI na kakasuhan nila ang mga iligal na magbebenta ng paputok at pailaw.

Payo pa ng ahensiya sa publiko, kung may dapat man bilhin ay ay ang mga locally made at hindi imported na mga paputok at pailaw.

Patuloy din ang ginagawang inspection ng DTI sa mga tindahan ng paputok habang papalapit ang holiday season.

Nestor Torres | UNTV News

Tags: , ,