DTI, muling nagpaalala sa mga negosyante na sumunod sa SRP lalo na sa holiday season products

by Radyo La Verdad | December 13, 2017 (Wednesday) | 2135

Nag-ikot sa ilang pamilihan sa Quezon City ang Department of Trade and Industry kaninang tanghali upang i-monitor ang presyo ng mga produkto ngayong holiday season. Layon ng DTI na masuri kung sinusunod ng mga ito ang suggested retail prices o SRP.

Kabilang sa mga produktong binabantayan ay ang ham, fruit cocktail, keso, sandwich spread, mayonnaise, keso de bola, pasta, spaghetti sauce, tomato sauce at iba pa.

Ang lalabag sa srp ay iisyuhan ng show cause order at maaari ring pagbayarin ng multang nasa dalawampung libo hanggang isang milyong piso. Ang SRP ay matatagpuan sa website ng kagawaran na www.dti.gov.ph

Ayon kay Undersecretary Teodoro Pascua ng DTI, wala nang inaasahan pang pagtaas sa presyo ng mga produktong ito hanggang matapos ang taon.

Pinapayuhan naman ng DTI ang mga konsyumer na mamili ng maaga para maiwasan ang abala.

 

( Rey Pelayo / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,