Overpriced ang inilalabas na suggested retail price (SRP) ng Department of Trade and Industry (DTI) sa ibang produkto gaya ng de latang karne at sardinas.
Sa SRP ng DTI, dalawang beses ng nagtaas ang presyo ng ilang canned meat at sardinas simula noong Enero 2018.
Halos dalawang piso na ang itinaas ng ilang brand ng corned beef at meatloaf habang mahigit piso naman sa sardinas.
Sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, nakiusap ito sa mga negosyante na huwag magsamantala sa pagtatas ng presyo.
Pero ayon kay Laban Konsyumer Group president Vic Dimagiba, hindi dapat ang mga negosyante ang una nitong pakiusapan kundi mismo ang Department of Trade and Industry (DTI).
Pero aminado ang DTI na mayroong pagtaas sa presyo subalit dumaan ito sa masusing pag-aaral at imbestigasyon ng ahensya.
Nagbabala ang DTI sa mga negosyanteng magtaaas ng labis na presyo na maaari silang makasuhan ng profiteering.
( Mon Jocson / UNTV Correspondent )
Tags: DTI, overpriced, SRP