DTI, inireport sa DA ang mga overpriced na karneng baboy sa isang palengke sa Maynila

by Erika Endraca | October 25, 2019 (Friday) | 15224

METRO MANILA, Philippines – Natuklasan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagbebenta ng overpriced na mga karne ng baboy sa Pritil Market sa Tondo, Manila.

Base sa ginawang inspeksyon ng DTI binebenta ng mga retailer ang karneng baboy ng P200 to P220 na dapat ay P165 to P170 lamang.

“Hindi rin nakakatuwa na masyado silang nagsasamantala sa consumers dahil ang effect niyan in the long run, nasa consumers pa rin.” ani DTI Undersecretary Ruth Castelo.

Paliwanag naman ng isang tindera, nagbabawi lang sila sa malaking lugi sa mga nagdaang buwan bunsod ng isyu sa african swine fever lalo pa’t matumal pa rin ang bentahan ng baboy ngayon.

Samantala, kinumpiska naman ng National Meat Inspection Service (NMIS) ang nasa 120 kilo ng karne ng manok na walang mga dokumento mula sa isang tindero sa Pritil Market.

Ang lahat ng mga paglabag na nakita ng DTI ay inireport na nila sa Department of Agriculture (DA) para sa kaukulang aksyon at sa mga parusang posibleng ipataw sa mga ito.

(Asher Cadapan Jr. | UNTV News)

Tags: ,