DTI, hinikayat ang mga retailers na sumunod sa SRP ng school supplies

by Radyo La Verdad | May 23, 2016 (Monday) | 3133

SCHOOL-SUPPLIES
Patuloy ang ginagawang monitoring ng Department of Trade and Industry (DTI) sa presyo ng mga school supplies na ibinibanta sa mga pamilihan.

Binalaan ng DTI ang mga retailers na sumunod ang mga ito sa suggested retail prices (SRP) na itinakda ng pamahalaan.

Batay sa DTI monitoring team sa presyo ng mga basic school supplies sa mga pamilihan, P10.50 ang presyo ng composition, writing, spiral notebook; walong piso per pad ang writing pad para sa grade one hanggang four; intermediate pads ay P13.00 per pad; crayons ay P12.00 per box na walong piraso; lapis ay P6.00 per piece; at ball pen ay P5.00 per piece.

Sa Pangasinan, lumagda ang DTI at mga retailers, supermarkets at malls na magbibigay ng discounted price ng mga school supplies sa mga customers.

(UNTV RADIO)

Tags: