DTI, hindi pa pinayagan ang planong dagdag-presyo sa tinapay

by Radyo La Verdad | January 19, 2024 (Friday) | 4210

METRO MANILA – Hindi pa inaprubahan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang kahilingan na taas presyo ng Samahan ng Asosasyon ng Panaderong Pilipino sa Pinoy tasty at pandesal.

P2 hanggang P2.50 ang hiling ng ilang panadero na maidagdag sa kasalukuyang presyo ng kada balot ng Pinoy tasty at Pinoy pandesel.

Ayon sa presidente ng Asosasyon ng Panaderong Pilipino, may sapat na batayan ang hirit nilang dagdag presyo dahil nagmahal na rin kasi umano ang halaga ng raw materials lalo na ang harina.

Ngunit ayon sa DTI, kulang pa ang kanilang ipinasang dokumento.

Binabantayan din nila ang mga presyo nito gaya ng mga napapaulat na sinkflation. Ito ang hindi pagtataas ng presyo, ngunit lumiliit o nababawawasan naman ang sukat ng isang produkto.

Tags: ,