DTI, babantayan ang presyo ng school supplies sa mga lalawigan ngayong pasukan

by Radyo La Verdad | May 25, 2016 (Wednesday) | 4490

Charlie-Dajao
Bantay-sarado ang Department of Trade and Industry sa Calabarzon Region sa presyo ng mga school supplies sa pamilihan.

Ayon sa DTI, hindi tataas ang halaga ng mga gamit pang-eskuwela dahil marami naman ang supply nito.

“Sa may mga kung tawagin natin lokal retailers marami ding stock, mukhang di naman talaga magmamahal ang presyo, talagang stable lng ang mga presyo.” Pahayag ni DTI-Calabarzon PIO Charlie Dajao

Sa ngayon ay matumal pa ang bentahan ng mga school supplies at sa unang linggo pa ng hunyo ang inaasahang pagdagsa ng mga mamimili.

(UNTV NEWS)

Tags: ,