Naginspeksyon kaninang umaga ang Department of Trade and Industry (DTI) at Food and Drugs Authority (FDA) sa mga presyo at toxicity level ng school supplies sa Recto at Binondo sa Maynila.
Pasado naman sa safety standards ang mga krayolang ininspeksyon ng FDA.
Ilan naman sa mga seller ay nasita ng DTI dahil sobra ang presyo ng kanilang produkto ng 25 centavos. Agad namang pinalitan ng DTI ang mga presyo ng mga produktong ito.
Naglabas din ang kagawaran ng suggested retail price o SRP na maaaring gamiting basehan ng mga consumer sa kanilang pamimili.
Ayon kay DTI Undersecretary Vic Dimagiba, maaaring ireklamo ng mga konsyumer ang mga retailer na nagbebenta ng kanilang produkto na lalagpas sa SRP.
Dagdag pa nya, bago magpasukan ay muling magiinspeksyon ang DTI para siguraduhin ang safety standards at presyo ng mga school supply.(Macky Libradilla/UNTV Radio)
Tags: DTI, FDA, Gregory Domingo, Vic Dimagiba