DSWD, tatapusin ang pamamahagi ng 2nd tranche ng SAP ngayong buwan

by Erika Endraca | June 17, 2020 (Wednesday) | 8595

METRO MANILA – Nauna nang nabigyan ng second tranche ng Social Amelioration Program (SAP)  ang mga Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps beneficiaries simula pa noong June 11.

Sa tala ng DSWD nasa 1.3-M 4Ps beneficiaries na mayroong cash card holders ang nakatanggap ng 2nd tranche ng SAP na may kabuoang halaga na P6.7-B.

Kasunod dito ang mga waitlisted o left-out beneficiaries o mga qualified beneficiaries ng sap ngunit hindi nasali sa first tranche ng distribusyon noong Abril at Mayo.

Ayon sa DSWD, para sa mga waitisted at left-out beneficiaries, matatanggap ng mga ito ang First at Second Tranche ng ayuda.

Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, kasalukuyang nag uusap ngayon ang mga kinatawan ng dswd at ng mga local government units hinggil sa 2nd tranche ng sap.

Dalawang sistema naman ang ipatutupad ng pamahalaan sa distribution ng 2nd tranche ng SAP ang manual distribution at electronic distribution.

Hinimok naman ni DSWD Secretary ronaldo bautista ang mga sap beneficiaries na may mobile phone at internet na i access relief agad website.

Para mapabilis ang pagproseso sa distribusyon ng 2nd tranche ng SAP.

Dadaan naman sa validation process ang lahat ng mga nagsumite gamit ang Relief Agad Application para masigurong hindi magkaroon ng duplication ng account.

(Vincent Arboleda | UNTV News)

Tags: ,