DSWD, sasagutin na rin ang pag-aaral sa kolehiyo ng mga benepisyaryo ng 4Ps sa Eastern Visayas

by Radyo La Verdad | June 9, 2016 (Thursday) | 2054

DSWD-FACADE
Sasagutin na rin ng Department of Social Welfare and Development ang gastusin sa pag-aaral sa kolehiyo ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps sa Eastern Visayas.

Sa ilalim ng Expanded Student Grant-in-Aid Program for Poverty Alleviation, mahigit sa dalawang libong estudyante ang mabibigyan ng pagkakataong mag-aral sa sampung state universities na napili ng Commission on Higher Education para sa programang ito.

Ayon kay DSWD Regional Director Resty Macuto, hindi kailangang matalino ang isang estudyante para mabigyan ng grant basta’t pasado sila sa pagsusulit at determinadong makatapos ng pag-aaral.

30-thousand pesos ang pondo ng DSWD sa bawat educational grantees para sa buong school year.

(Jenelyn Gaquit / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,