METRO MANILA – Inilabas ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang isang pabatid sa publiko.
Layon nito na pabulaanan at magbigay ng babala laban sa kumakalat na post na may scholarship benefits umano na inaalok ang kagawaran sa mga estudyante.
Nilinaw din ng DSWD na hindi humihingi ng personal information online ang departamento dahil ito ay labag sa data privacy act.
Hinihikayat rin nito ang publiko na ireport ang social media account na nagpapakalat ng maling impormasyon.
Pinaalalahanan din ng DSWD na ugaliing suriin at i-verify muna ang mga nababasa online.
Tags: DSWD, Scholarship Benefit