METRO MANILA – Sa inaasahang pagpasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ng Super Typhoon na may international name na “Mawar”, hindi nakikitang magla-landfall o tatama ang mata ng bagyo sa Pilipinas sa ngayon.
Ngunit dahil sa laki nito ay maaari paring makaapekto sa bansa.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), nakaalerto na ang kanilang mga tauhan sa mga lugar sa Luzon lalo na sa Region 1 at 2.
Pinaghahanda naman ng Office of Civil Defense (OCD) ang mga lokal na pamahalaan sa mga lugar na maaaring maapektuhan ng bagyo.
Bawal muna ang magbakasyon lalo na sa mga nasa rescue unit hanggang sa makaraan ang sama ng panahon.
Isa sa posibleng maapektuhan ay ang transportasyon maging sa karagatan.
Pinapayuhan naman ng OCD ang publiko na alamin kung ang kanilang mga lugar ay mapanganib sa baha, landslide at flashfloods.
Sumunod din sa evacuation plan ng lokal na pamahalaan.
METRO MANILA – Posibleng umabot sa 7 milyong mga Pilipino ang makatatanggap o magiging benepisyaryo ng targeted cash transfer na ipamamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ayon sa DSWD ito ang ayudang ipamamahagi ng pamahalaan upang tulungan ang mga mahihirap nating kababayan na lubhang apektado ng mataas na inflation sa bansa.
Sa ngayon inaasikaso na ng DSWD ang sistemang gagawin sa pamamahagi ng ayuda.
Bawat benepisyaryo ang makatatanggap ng P500 na assistance.
Nauna nang inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagre-release ng nasa P7.6-B na pondo para sa targeted cash transfer program ng DSWD.
METRO MANILA – Tumaas na sa 80% ang posibilidad na magkakaroon na ng El niño sa mga buwan ng Hunyo, Hulyo at Agosto ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Kapag may El niño, tumataas ang temperatura sa silangan at gitna ng dagat pasipiko.
Pero sa kanluran naman nito ay bumababa ang temperatura na nagreresulta ng pagkabawas ng ulang mararanasan sa Pilipinas.
Ayon sa PAGASA, kahit na may El Niño ay makararanas parin ng maulang panahon kapag umiral ang habagat.
Dagdag pa ng PAGASA, kailangang umpisahan nang isagawa ang mga pamamaraan ng gobyerno para mabawasan ang posibleng maging pinsala ng El niño sa bansa pangunahin na sa agrikultura.
Kamakailan lang ay binuo ng Pangulong Ferdinand Marcos Junior ang task force na tututok sa posibleng maging epekto ng El niño sa bansa.
Isa na dito ang kung paano matitipid ang pggamit ng tubig para may magamit sa mga panahong inaasahang mababawasan ang mga pag-ulan.
(Rey Pelayo | UNTV News)
METRO MANILA – Nakatakdang maglabas ng El Niño alert ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa mga susunod na araw.
Ayon kay PAGASA Climate Monitoring and Prediction Section Chief Ana Solis bunsod ito ng pagtaas ng tiyansa na maransan ang El Niño sa bansa.
Dagdag pa ng pag-asa, posibleng tumagal ang El Niño hanggang sa unang bahagi ng 2024.
Isa sa naranasang matinding tama ng El Niño sa bansa ay noong 2009-2010.
Pero bago maramdaman ang epekto ng El Niño sa bansa sa huling bahagi ng 2023 ay magkakaroon muna ng malalakas na pag-ulan dala ng habagat.
Kapag bumaba na sa minimum operating level ang dam, pinakaunang puputulan ng alokasyon ng tubig ang para sa irigasyon, base ito sa protocol ng National Water Resources Board (NWRB).
Kahapon (April 24) ng umaga ay nasa 195.99 meters pa ang lebel ng Angat dam, nasa 180 meters ang minimum operating level nito.
Pero ayon sa National Irrigation Administration at Bureau of Plant Industry, may mga pananim naman pwedeng ipalit sa palay na maaaring makatagal kahit kakaunti ang tubig.
Iniutos na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbuo sa El Niño Task Force para makapaghanda ang kaukulang mga ahensya ng pamahalaan sa magiging epekto ng matinding El Niño sa bansa.
(Rey Pelayo | UNTV News)