METRO MANILA – Sa inaasahang pagpasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ng Super Typhoon na may international name na “Mawar”, hindi nakikitang magla-landfall o tatama ang mata ng bagyo sa Pilipinas sa ngayon.
Ngunit dahil sa laki nito ay maaari paring makaapekto sa bansa.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), nakaalerto na ang kanilang mga tauhan sa mga lugar sa Luzon lalo na sa Region 1 at 2.
Pinaghahanda naman ng Office of Civil Defense (OCD) ang mga lokal na pamahalaan sa mga lugar na maaaring maapektuhan ng bagyo.
Bawal muna ang magbakasyon lalo na sa mga nasa rescue unit hanggang sa makaraan ang sama ng panahon.
Isa sa posibleng maapektuhan ay ang transportasyon maging sa karagatan.
Pinapayuhan naman ng OCD ang publiko na alamin kung ang kanilang mga lugar ay mapanganib sa baha, landslide at flashfloods.
Sumunod din sa evacuation plan ng lokal na pamahalaan.