80 libong relief family food packs ang target ng Department of Social Welfare and Development o DSWD na mai-produce araw-araw.
Bagama’t marami ang tumugon sa kanilang panawagan para sa mga volunteers na tutulong sa repacking kinukulang pa rin daw sila sa man power lalo na sa gabi. Panawagan nila sa mga maaring tumulong, magtungo lamang sa kanilang National Resource Operations Center sa Pasay City.
Samantala, tiniyak naman ng officer in charge ng Production Management Division ng DSWD na si Sophie Mendiola na may sistemang sinusunod ang operations centers upang matiyak na tama sa bilang at kalidad ang makakarating na tulong sa mga apektadong pamilya.
Sa bawat pamilyang makatatanggap ng relief goods, dapat nilang asahan na ang bawat kahon ay mayroong 6 na kilo ng bigas, 4 na lata ng sardinas, 4 na lata ng corned beef at 6 na sachet ng kape na good for 2-3 days.
Apela rin ng DSWD sa mga recipient ng relief goods na huwag ibenta ang mga ito.
( Mai Bermudez / UNTV Correspondent )
Tags: DSWD, relief goods, volunteers